Tweets
    Sika lang, awan sabalin. :’)
    Ilang linggo nalang pasukan na.

    Wala naman akong problema sa paggising ko sa umaga pero grabe naman! 5am dapat makaalis na ako dito sa bahay kasi yung ginusto kong school e malayo. Mula Quezon City papunta ng Mendiola ang lalakbayin ko. Wala na akong problema sa mga kaibigan kasi may kaibigan na ako na nakilala ko nung enrollment pa lang. Isa ko pang problema e wala akong matatambayan kapag free time. Hahahaha.

    Anonymous asked:
    BV ka? Gusto mong pasayahin nalang kita? :">

    Sorry, Ayoko. Hindi ako open sa mga nanlalandi. May girlfriend ako, kaya niya akong pasayahin. Mas masaya pa sa naiisip mong gawin.


    Ako yung taong seloso.

    chamonster:

    • Ayoko makita siyang nalalapit sa iba.
    • Yung napapangiti at nagiging close sa taong kaseselosan ko.
    • Yung nakikipagusap sa ex.
    • Konting TA lang o katext o yung may katawagan selos na.
    • Kung sino sino yung mga binabanggit niya.
    • Basta ang gusto ko akin lang siya. Selfish na kung selfish.
    Harap ka sa salamin.

    Tapos itanong mo ‘to sa sarili mo.

    May karapatan ba ako maging choosy?

    Anonymous asked:
    Bakit ka po nagPsych? :) San ka po mag-aaral?

    Kasi may mga bagay na gusto kong liwanagin. Sa CEU Manila po. :)


    hegotmyattention:

    Boyfriends’ schedule. 

    Yehey! Thank you bby! >:D<

    Wala ako gaanong damit.

    Hindi ako yung tipo na kapag nagustuhan e bibilhin agad, pero gusto ko talagang bilhin ang problema lang e wala akong pera. Kung meron man siguro bibili ako ng dalawa hanggang tatlo, wala akong pakielam kung inuulit ko damit ko basta ang importante e mabango ako. Kasi ang pangit namang marami ka ngang damit pero mabaho ka naman.

    Sumikat ka lang, snob ka na.

    MY MIDDLE FINGER IS TALKING TO YOU, BITCH!

    Together Forever. ♥

    Gusto ko sanang gumamit ng deeper words for this post para naman mas may impact yung pagbasa mo.

    Wala na nga akong pakielam kung ano matatanggap kong gifts sa christmas, birthday, and graduation ko. Kasi IKAW na ang perfect gift na binigay sa akin ni Lord sa buong buhay ko, nung bata ako gusto ko lang naman ng stuffed toys para makakasama pagtulog, mayakap kapag malungkot ako, sabihan ng problema kapag malungkot ako, pero hindi stuffed toy binigay niya e, Ikaw mismo, isang girlfriend na makakasama pagtulog, mayayakap kapag malungkot ako, sabihan ng problema kapag malungkot ako, at mamahalin ko habambuhay. 

    I remember nung sinabi ko sayo yung sinabi sa akin ng tita ko na “Hindi porket matagal na ang inyong relasyon e kayo na talaga habambuhay.” nung pagkabigkas niya ng mga katagang yan e ikaw kaagad ang naisip ko, naiisip ko na paano na ang forever? Paano na tayo? Paano na mga pangarap natin? Nanahimik tuloy ako ng ilang araw kasi ayaw kong nakakarinig ng negatives about sa relationship natin kasi sobrang nasasaktan ako.

    Alam kong hindi ka perpekto, shempre ako rin naman hindi perpekto pero alam mo yung nakakakilig na part? We’re a perfect couple.  

    Sabi nila ibang-iba raw ang trato ko sa’yo at sa mga kaibigan ko, iba ang trato ko sa’yo at sa barkada ko… Wala akong masagot kasi paano nga naman kasi hindi magiging ganoon e mahal na mahal kita at gusto ko lagi kapag kasama kita e masaya ka, kaya gagawin ko lahat mapangiti ka lang kung makajackpot ako e pwede bang kiligin ka na rin? (korni ko na ba?)

    Naaalala mo yung bracelet na binigay ko sayo? Bigay yan ng Lola ko sa Tita ko para raw makahanap si Tita ng taong mamahalin niya habambuhay, pero kabaligtaran ang nangyari kay Tita, iniwan siya at sinaktan nung taong inakala niyang mamahalin siya habambuhay. Tapos binigay niya sa akin ang bracelet na binigay ko sa’yo, sabi niya ibigay ko raw yung bracelet na yun kapag sure na raw ako sa taong mamahalin ko, yung taong makakasama ko habambuhay, yung taong tanggap ang pagkatao ko, yung taong kumukumpleto sa hindi perpektong buhay ko. O’diba may story pa yung bracelet na binigay ko sa’yo, hindi ko nga alam kung nakwento ko ba sa’yo yan nung binigay ko sayo yan e.

    Gusto ko sanang gumawa rin ng audio post para masabi ko lahat ng ito sayo kaso hindi ko alam kung saan ako magrecord at alam mo namang wala akong cellphone. CHANGE TOPIC! BABANAT MUNA AKO. “I wish our love is forever, I wish we can do this until the end, I wish you’ll stay with me forever.” Teka lang? Tanga ba ako? E yung mga wishes ko natupad na kasi I’m so sure that God will grant all our wishes. :”> (Napangiti ka ba dahil sa kilig o napangiti ka dahil ang korni ko nanaman?)

    Parang ang haba na nitong post ko, kailangan ko na magpalaam. “Mga bata ako ulit si Kuya Yenko, abangan niyo ako ulit sa susunod para pakiligin natin si Ate Rio… Paalam!”

    I love you so much, Kolyn! ♥ Mahal na mahal talaga kita, kinilig talaga ako nung pinakinggan ko yung audio na ginawa mo. :”> Forever na tayo ah. ♥ Hihihi, sorry kung minsan e sobrang matampuhin ko na at sobrang OA, naghahanap lang naman ako ng atensyon mo e. Sorry kung minsan nasaktan kita, kung napaiyak man kita, sorry din. Basta sorry sa lahat ng nagawa kong bad. :( I love you! :*

    (Source: shegotmyattention)

    Jgh. Grabe sobrang pagod na ako. Napipikonako sa photographer ng ID kanina at parang nagmamadali! Panget na nga ako panget pa yung ID ko. -_- Lintik na yan. Pagod na pagod na ako. :(

    HINDI NA POLO SHIRT UNIFORM NAMIN!!!!!!!!! May Polo na. :3 Hihihihi.

    (Source: kyokyocrunch)

    12:29 AM


    Hi Rio Analyn Yango - De Jesus. :”> Alam ko pong paulit-ulit akong nag s-sorry sa’yo pero paulit-ulit din yung mga ginagawa ko kaya feeling ko baka pagsawaan mo ako kapag pinagpatuloy ko yung ganun. I’m sorry po, sorry sa mga katangahan, kagaguhan, at kung ano man na nagawa kong nakasakit sa’yo. Sadyang tanga lang talaga ako bby inaamin ko yun, hirap akong umintindi pero pilit kitang iniintindi kasi sobrang mahal kita.

    Kakayanin ko lahat hanggang sa dulo, papatunayan ko sa lahat na totoo at tunay ang pagmamahal ko sa’yo. Hindi ako susuko, hindi ako magsasawang mahalin ka kasi gusto ko ikaw at ikaw lang. Ikaw lang gusto kong makasama sa habambuhay at ikaw lang ang gusto kong maging nanay ng mga magiging anak natin at ikaw ang gusto kong matawag na asawa. I love you forever and always. :*

    (Source: shegotmyattention)

    Mother’s Day Blog 101.

    Tuwing makikita ko o maririnig ko sa telebisyon, usapan okaya ay talk show tungkol sa mga Nanay at ang kanilang mga anak ay sobra akong natatamaan. Kapag nakikita kong ang bait-bait nung bata sa kanyang Nanay e napapaluha na ako agad, madamdamin kasi akong tao e. Marami akong pagkukulang sa Nanay ko, siguro kagaya mo ako? Inaamin kong hindi ako naging isang mabait na anak sa kanya, sumasagot ako kagaya mo, nagdadabog din ako kagaya mo, at lalong nag-aaway din kami. Ako yung tipo ng kabataan na nahihiyang sabihin kung gaano niya kamahal ang Nanay niya hindi dahil sa kinahihiya ko siya, meron kasi akong persona sa loob-looban ko na hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko masabi sa kanya. Siguro limot ko na yung huling araw na sinabihan ko siya ng “Ma, I love you.”

    Last time nagsimba ako tapos ang homily ng Pari e tungkol sa mga nanay. Hindi ko alam kung bakit pero naluha nalang ako bigla sa mga sinabi ng Pari ito yung mga sinabi niya..

    Bakit ka mahihiyang sabihin na mahal mo ang Nanay mo kung sila mismo ang nagluwal sa’yo? Mas maiging sabihin natin ito sa kanila araw-araw kasi hindi natin alam na baka kunin na sila ng Diyos kasi tapos na ang misyon nila sa lupa.

    Natamaan ako, tamang-tama at sa sobrang kapul ako e naluha ako. Nahihiya ako e. Maski nung Mass na yun e hindi ko pa rin nasabi na Mahal ko ang Nanay ko.

    Kung mababasa man ‘to ng Nanay ko ngayon gusto ko lang sabihin na…

    I love you and I’m sorry.

    I love you kasi way na siya ng pagsasabi ng Thank you at Mahal kita at the same time para sa mga nabigay niyang sacrifices sa amin ng kapatid ko. I’m sorry kasi alam kong hindi ako naging mabait na anak. Hindi ko na kailangan palalimin basta hindi ako mabait.

    Kaya kayo, wag kayong mahihiyang sabihin sa mga Nanay niyo kung gaano niyo sila kamahal, kung pwede nga lang e minu-minuto sabihin niyo sa kanila kung gaano niyo sila kamahal kasi tama nga naman na hindi natin alam kung hanggang kailan at kung baka kunin nalang sila bigla.

    HAPPY MOTHER’S DAY SA LAHAT NG MGA MOMMY. :)

    (Source: shegotmyattention)

    Theme Urban v3 by Max Davis
    Back to top